top of page

Tula

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Sep 18, 2021
  • 1 min read

A poem response to what is poetry
A poem response to what is poetry

Ito ay isang uri ng literatura na ekspresibo,

Mistulang gamot na epektibo.


Pinapalooban ito ng mga ilang saknong,

Na makakapagpapawi sa isipang nagtatanong.


Kalakip nito'y linyang 'di kukulang sa dalawa,

At bilang ng mga salita na ipagkakasya.


Dito'y magandang gumamit ng tugmaan,

Upang makuha ang atensiyon ng madlang pinaglaanan.

Pati na rin ng tulang malaya,

Nang mas maipabatid ang buong menasahe ng tula.


Akdang tula ay mayroong ilang layon,

At una'y makapagparamdam sa mambabasa ng matinding emosyon.


Luha'y 'di mapipigilang magbadya,

Pagkat ang kinikimkim na emosyon sa hawla ay lalaya.


Iba'y mala-kutsilyo ang talim ng mga salitang ginagamit,

Sa pagbabasa'y mararamdaman ang tunay na pait at galit.


'Di makakalimutang karanasan ay naikekwento,

Mayroon ding kaganapan sa buhay na naiimbento.


At mga saloobin at katotohanan ay nailalantad,

Sa malikhaing paraan ng paglalahad.


...

Young Pilipinas Poetry

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page