top of page

Alam mo ba Girl? Tula ng tamang pagpili para sa hinaharap

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • May 25, 2024
  • 1 min read

Alam mo ba Girl? Tula ng tamang pagpili para sa hinaharap by Ronjo Cayetano

Sa modernong pamumuhay bawat kibot ay tagisan,

tila bang may hinahabol at may nais patunayan.

Sinong mas nakalalamang ang mayro'ng pinag-aralan,

o silang 'di nakatapos na diskarte ang panlaban?


Mahaba-habang debate at walang nagpapatalo,

sa katotohana't buhay mas lamang ang edukado.

Ang sabi naman ng isa, “bawat diskarte'y trabaho,”

kung atin ngang susumahin parehong mayroong punto.


Subalit para sa akin—nararapat na pagpili,

'di na pinaglalabanan, parehong dami ng pisi.

Kasipagan at tiyaga tanging susi sa tagumpay,

at hindi ang kayabangan na atin ngang tinataglay.


Lalo na't may kumpiyansa at tiwala sa sarili,

walang hindi maabot edukado't madiskarte.

Kapwa talino at pawis at tiyaka katipiran,

bawat hangarin sa buhay ang lahat ay makakamtan.


Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page