top of page

Ang Aking si Tagpi

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Sep 18, 2024
  • 1 min read

Ang Aking si Tagpi

Kapagka mag-isa at walang kasama,

sa lungkot ng buhay kawalang pag-asa,

ni hindi marinig pagtangis at dusa,

sandalang balikat ay hindi madama.


Ang aking alaga ang siyang kakampi,

bulungan ng hapdi, ng luha't pighati,

sa simpleng paghalik lahat ay napawi,

at kal'bit ng kamay ng aking si tagpi.


Aso kong tahimik sa aki'y magiliw,

sa kampay ng buntot at takbong matulin,

salubong sa daan, dadamba't aapir,

pag-ibig na wagas ang sukli sa akin.


Katulad ng tao mayroong emosyon,

matapat sa amo sa gintong relasyon,

hindi man naimik dama mo'ng intensyon,

mahalin ka't ingat sa habang panahon.

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page