top of page

Bidyukol

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • May 19, 2021
  • 1 min read

A Filipino flash fiction by Nerelyn Fabro, a Young Pilipinas contributor.

Selpon lamang ang tanging komunikasyon ng mag-asawang sina Fred at si Rose na nasa abroad upang magtrabaho. Long distance relationship sila kung paiikliin.


Martes noon ng gabi, nagpaload si Fred sa tindahan upang makapagvideo call sila sa messenger.

"Kumusta ka mahal?" Panimula ni Fred na bagong ligo habang hinahagod ang kaniyang buhok.


Agad namang napakapit sa bibig si Rose na ikinataka ng asawa.


"M-may m-multo sa likod m-mo, n-nakangiti," pautal-utal pang turan nito dahilan upang tumingin sa likod sa Fred na halatang natakot.


"HAHAHAHA it's a prank!" Hagalpak ni Rose na may kasama pang pagtakip sa bibig.


Ngunit nanatiling tulala't takot si Fred at lumaki pa ang mga mata. Kitang-kita niya kasi sa video call ang pinatay nilang anak noong isang taon—puno ng dugo, nakangiting nanlilisik ang mga mata at may hawak na kutsilyo.


Sinaksak nito si Rose habang nagmamakaawang sumisigaw ngunit agad ding binawian ng buhay.


"Isusunod kita, humand—" bigkas ng anak na naputol din bigla.


"Panaginip lang pala, hay salamat." Nakahinga nang maluwag si Fred ngunit pagtalikod nito sa kama ay...


"Kumusta, aking ama?"

1 Comment


Unknown member
May 28, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page