top of page

'Di Pa Sisikat

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Oct 12, 2021
  • 1 min read

A poem about a poet's dream
A poem about a poet's dream

Ang malayang tula ay tila pangarap ng isang tao,

Ito ay maaaring tumigil sa iilang saknong,

Subalit ito rin ay maaaring magpatuloy,

Depende kung gugustuhing dagdagan ang daloy.


Nagsimula ako sa pagsusulat ng mga tula,

Gamit ang mga pangkaraniwang salita,

Na hindi malalim ang mga kahulugan,

Subalit malinaw ang mensahe ng nilalaman.


Pangarap ko ang maging makata,

Na ang mga katha ko ay sana makita,

Ng lahat ng tao sa Pilipinas,

Para sa puso't isipan nila ay bumakas.


Gamit ang pinakamamahal na wikang Filipino,

Malalaman agad kung ako'y sino,

Na ako'y isang manunulat,

Na lumilikha ng mga akdang sa tao'y nagpapamulat.


May tugmaan man o isang malaya,

Aking ibabalandra ang ipinagmamalaki kong akda,

Ngayon ay hindi pa ako sisikat,

Sapagkat maraming pahina pa akong kailangang ibuklat.


...

Young Pilipinas Poetry


Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page