top of page

Diyos o Ang Lubid?

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • Apr 18, 2021
  • 1 min read

ree

Diyos o Ang Lubid?


Sa sulok ay nabababad || lungkot sa akin ang hatid,

isipa'y nilamong sagad! || Walang sinong nakabatid,

walang susing mabanaag || nakagapos lang sa silid,

subukan ko mang maglayag || kasiyaha'y 'di masisid.

Nakasasakal ang takot || mapatatangis sa gilid,

depresyon ang nakabalot || sa paglaya'y may balakid;

nakasasakal ang lungkot || nais ko na'ng maging manhid,

sa paglaya'y anong sagot? || ang Diyos nga ba o ang lubid?


--Nerelyn Fabro

Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!



Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page