top of page

Kabutihan sa Likod ng Kasalanan

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • Jun 9, 2021
  • 1 min read

Updated: Jun 13, 2021


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas Nerelyn Fabro

Saulado na ang pasikot-sikot sa trabahong delikado,

pilit mang patigilin ngunit sagot ay "ayoko."

inosente ang mukha ngunit sa kalye'y barumbado,

bulakbol sa eskwelahan ngunit sa pagnanakaw edukado.


Suki na ng pulis at palaging napoposasan,

doon sa DSWD, mistula ng tahanan,

ngunit kapag nakalalabas, nababaliw sa kasalanan,

uulit-ulitin, binabalik-balikan.


Ngunit sisiga-siga man sa dinaraanan,

may inosente pa ring puso at isipan,

kamalian man ang natatanaw,

may damdaming mapagmahal din ang nangingibabaw.


"Nay, may isandaan po akong nakupit,

bunso, ito gamot mo sa 'yong sakit,

18 na ako, magbabagong-buhay na sa kulungan,"

ito ang liham sa mesa na kaniyang iniwan.

1件のコメント


不明なメンバー
2021年6月21日

💛💛💛

いいね!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page