top of page

Liwanag sa Sulông Lumalamlam

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Apr 14, 2023
  • 1 min read

Young Pilipinas National Donate life month poem
A poem about National Donate Life Month

Nagmula sa may Kapal tinatamasang búhay

kumikinang na ginto, sa atin ay inálay,

ipinagkatiwala na alagaang húsay

ang natatanging misyon manatili ang kúlay.


Sa ating kabutihan mayroong maliligtas

mag-isang naghihintay sa darating na bukas,

walang nakaaalam sa nalalabing oras

ngunit nagpapatuloy, pag-asa ang s'yang lakas.

Suporta at kalinga—kaalaman ang sagot,

sa'ting pakikiisa maiibsan ang takot,

pagtulong sa kapuwa kabutihan ang dulot,

táning ng kamatayan tao rin ang lalagot.


Donasyon ng marami para sa hinaharap,

organo ng katawan sa iba ay iyakap,

sa 'tinakdang panahon kung tayo ay pumanaw,

iniwang alaala ituturing na ilaw.


...


Liwanag sa Sulông Lumalamlam - Young Pilipinas Poetry

Written by Ronjo Cayetano

National Donate life month poem


Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page