top of page

Mga Bagong Guro sa New Normal

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Jan 19, 2022
  • 1 min read

Updated: Mar 27, 2022


A poem to honor new normal teachers
A poem to honor new normal teachers

Hindi lang basta isang propesyon

Magulang din sila na may magandang intensiyon,

Istrikto man ang bawat nilang aksiyon,

Na tila lahat ay iisa ang ekspresiyon,

Hindi naman matatawaran ang sakripisyo sa edukasyon.


Gumigising nang maaga

Pumupulas kahit may sinat na nadarama,

Presentableng humaharap sa kamera.

Nagtuturo kahit malabo ang mata

Magabayan lang mga estudyanteng hindi pa nakakasama.


Hatid nila'y mga aral

Kapakanan ng mga bata sa bawat pangaral,

Kapag may problema puwede kang sumandal.

Tutulungan kang magdasal

Maalis lamang ang 'yong pagpapagal.


Kahit nasa gitna ng pandemya

Tuloy ang pagtipa sa makabagong pisara

Telepono, kumpyuter at iba pang teknolohiya,

Sila ang mga makabagong guro ng ating eskwela,

Sa new normal ay sumasabay kahit may pag-aalala.



...

Young Pilipinas Poem

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page