top of page

(NA)SAAN ANG (PA)NGA(KO)

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Jun 11, 2021
  • 1 min read

YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas Ronjo Cayetano

Sa mahabang panahong ako'y naghintay,

Inasam ang taong magbibigay liwanag sa madilim kong buhay,

Siyang papawi ng aking hinanakit pati na lumbay,

Natagpuan ko ang kapanatagan sa kaniyang mga kamay.


Dalangin ko'y walang hanggang pagmamahal,

Hiráng akong 'sinalba sa pagpapagal,

Hinamak lahat ng tutol at sagabal,

Ngunit pag-ibig niya'y huwad—hindi rin tumagal.


Binitiwang salita'y nanatili,

Kasal niyang pinangako'y hindi minadali,

Subalit biglang iba na kaniyang napili,

Ang dapat sa aki'y sa iba na natali.


Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page