top of page

Pag-ibig sa Tula Medisinang Kinatha

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Jun 16, 2021
  • 1 min read

Pag-ibig sa Tula Medisinang Kinatha - Ronjo Cayetano Young Pilipinas Poetry
Pag-ibig sa Tula Medisinang Kinatha - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)

Ladlad man sa dusa at kalungkuta'y tumutuligsa,

Damdaming pinanghihinaan at isipang napaparalisa,

Hindi susuko—sa laban ko'y hindi ako nag-iisa,

Pag-ibig sa tula ang medesinang sumagip sa 'king pagkabalisa.

Tula ko'y bubuyog na bumubulong; emosyong gamot na nakahihilom,

Paksa'y patalim na tumatabak, lumuluray sa pusong matigas,

Tinta ng pluma'y sinag na nagliliwanag—aral sa talata'y apoy na naglalagablab,

Malabis na kalungkuta'y ibong umaalpas; sa 'king tugma—laladlad ang bagwis mo't lilipad.

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page