top of page

Paglisan sa Nakaraan

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Jun 17, 2021
  • 1 min read

Paglisan sa Nakaraan - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)
Paglisan sa Nakaraan - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)

Dagundong yumayanig,

Sa daluyong ng hanging umiihip,

Nawala na ang pananabik,

Natapos sa isang idlip.


Nasaan na ang mga pangako?

Tuluyan na bang naglaho?

Pag-ibig ba'y tulad na ng tubig na malabo?

Malayang umaagos; subalit hindi na sa 'kin ang tungo.


Biglaang paglisa'y aking ikinadurog,

Sa kasawian ba'y patuloy akong lulubog?

Marahil ikaw ang una kong inirog,

Laman ka ng panaginip hanggang sa 'king pagtulog.


Panaghoy ko'y may katapusan,

Puso'y maghihilom sugat ma'y sagad sa kaibuturan,

Isa kang aral mula sa nakaraan,

Salamat sa mga alaala na minsan nating pinagsaluhan.

留言


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page