top of page

Pamasahe

  • Jayson Cagomoc
  • Aug 4, 2021
  • 1 min read

Updated: Aug 9, 2021


Pamasahe, poem about pure love and LDR.
Pamasahe, poem about pure love and LDR.

"Hindi balakid ang distansiya sa dalawang yumayakap sa pag-ibig,

Ito'y tila hangin lamang na mahina kung umihip."

Kaya't alam kong malayo ka ma'y maabot pa rin kita,

Sa pamamagitan ng paghihintay ng panahon at pagtitiyaga.


Hindi ako mangangawit na tumingala at umawit sa Itaas

ng sana ay mahagkan na kita sa susunod pang búkas.


At kung sakali mang dumating ang oras at pagsibol nitong pagkakataon na aking dinarasal-dasal,

Pipitasin ko ang bungang ngiti sa punò ng paghihintay.


Titiyaking pati hangin ay sasayaw sa mararamdamang ligaya,

At ang mahinang huni ng ibon ay magiging palahaw dahil mapupuntahan na kita.


Malamang sa malamang sa pagkakataong iyon ay kailangan kong maghanda,

'Pagkat malayo-layo't nakahahapo ang gagawin kong paglalakbay.


Hindi ko na daramihan pa ang bibitbitin kong damit,

Palamuti, pabango, jacket o anumang gámit ay hindi na rin isisiksik.


Pitaka'y ayos lamang kung mananatiling manipis,

Yaong pupunuin lamang ay ang bulsa sa kanang dibdib.


Kung saan isisilid ko ang aking pamasahe

na labis-labis na pagkasabik.


Kung saan nakasiksik ang pagsasaluhan nating pag-ibig,

Na sa distansiya'y hindi nagpapátid.


...

Young Pilipinas Poetry

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page