top of page

Ritmo ng Musika

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • Oct 27, 2023
  • 1 min read

Ritmo ng Musika - A poem about valuing music
A poem about valuing music

Mula sa tambol na maliit na lumilikha ng ugong‚

hanggang sa malaking trumpeta na malakas ang salubong.

Ang tunog na hatid‚ parte ng ating musika‚

na may damdamin‚ aliw at masining na melodiya.


Ang emosyon na dala’y sa puso humahalik‚

na kung lalasapin mo‘y sa kahulugan ay siksik. 

Kaya dapat mong damhin ang bawat piraso ng nota‚

dahil madalas kakampi natin ang haplos ng musika.


Ito rin ay buhay sa bawat bansa‚

’pagkat nagrerepresenta sa kulturang likha. 

Sa pamamagitan nito‚ tayo rin ay nagkakaisa‚

kaya nayayakap natin ang sari-sariling kanta.


Marapat pagyamanin upang lalong umunlad‚

upang ang presensya nito’y mas higit na tumingkad.

Kaya tayo’y umawit‚ malakas man ang ritmo o malamlam‚

sintunado man o hindi‚ ang mahalaga’y ating ramdam.

...

Ritmo ng Musika by Nerelyn Fabro

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page