top of page

Serbisyo at Publiko

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Mar 22, 2022
  • 1 min read

An open letter poem dedicated for my town.
An open letter poem dedicated for my town.

Para sa iyo aming alkalde,

Bigyan namang pansin 'tong mensahe,

Hindi 'to bilang pagsabotahe,

Para sa kabutiha't imahe,

Inihalal ka ng taong bayan,

Maging kakampi sa bawat laban,

Agapay sa pangangailangan,

Magtataguyod sa kahirapan.


Serbisyo publiko'y 'di trabaho,

Ito'y tungkulin sa kap'wa tao,

Hangarin sa baya'y pag-asenso,

Walang angat—pantay ang pagtrato.


Kalusuga't buhay 'yong unahin,

Pangkabuhayan nawa'y gayundin,

Sa anomalya'y 'wag paalipin,

Tiwala ng lahat—'wag sirain.


Sa lukluka'y 'wag magpakasasa,

Isipin kapakanan ng madla,

Maging tulad ka ng mga tala,

Sa kabutiha'y tinitingala.

...

Young Pilipinas Poetry

Commentaires


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page