top of page

Tayo Ang Susi

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Nov 7, 2021
  • 1 min read

Election: your choice, your future poem.
Election: your choice, your future poem.

Panahon na naman ng halalan,

nariyan na naman silang mga kay tatamis ng ngiti na animo'y bayani ng bayan.

Pag-asa raw kuno ang kanilang hatid,

kapag nakaluklok na'y hindi ka raw bibiguin sa mga pangakong binitiwan ng kanilang mga bibig.


Nakakapagod, nakakasawa ang paulit-ulit na ganitong sistema tuwing panahon ng kampanya,

puro pakitang gilas "ako'ng bahala sa'yo, may mga nakahanda ng plano, suportahan n'yo ako at susuportahan ko kayo" pero kapag nakaupo na daig pa ang may sakit sa kalimot o amnesia.

Pasensya na muna, walang pondo para rito,

hayaan mo't kapag mayroon na una kang makakatanggap ng abiso.


Ambisyoso! Asa ka pang makatanggap mula sa maruming pulitiko,

ngayon magdusa kang hindi mo pinag-isipan ng tama ang napakahalaga mong boto.

Inutil! Tinatawanan ka lang nila ngayon habang nakaupo sa gintong trono,

iyan ang kapalit sa dating ibinenta mong prinsipyo.


Kaya ngayon, sana natuto na tayo

sa isang tamang pagpili sa karapat-dapat na kandidato.

Mababago natin ang maruming pamamaraan ng kahapon at kasalukuyan,

tayo ang susi, ang pipili sa mga manunungkulan kaya tayo rin ang may hawak sa 'ting hinaharap kung tama ba ang iniupo natin sa luklukan.



...

Young Pilipinas Poetry

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page