top of page

Walang Pinagkaiba

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Jul 24, 2021
  • 1 min read

Twisted poem about romance and different races.
Twisted poem about romance and different races.

Magkaiba ang ating lahi ngunit nanaig ang pagtingin,

ako'y unti-unting nahuhulog na para bang tinulak sa bangin,

napakasarap sa pakiramdam ang ganitong damdamin,

na wari'y ang pag-ahon ay 'di ko na hihilingin.

Masaya, nakakapanibago, at nakakamangha,

para akong tinangay ng agos ng malalim na baha,

lalo na't ipinamalas mo ang pagmamahal na sa mga luha ko'y nakapagpatak,

at sa maligalig kong puso'y mabisang tumatak.


Magkaiba man tayo ng lenggwahe, pero kapwa tayong naging mas malapit,

dumating sa punto na ang damdamin ko'y mas humigit,

pagkat ang pagsinta'y binigyan mo ng bisa,

at natapatan kong tuluyan ang damdamin mong umaasa.

Sa pagdaan ng laksáng segundo't minuto,

ikaw na ang tinuring kong buhay at sariling mundo,

handa na akong ibigay ang lahat—walang kulang pero labis na pagmamahal,

hindi alintana ang pagkakaibang nanantiling umiiral.


Pag-iibiga'y wala sa lahi at ito'y pinatunayan ng mapusok nating halik,

pinikit ko ang aking mga mata habang kapwa tayong sabik,

'di ko alintana ang sakit sa pagitan sa unang danas,

pagkat init ng pagmamahal sa katawan at isipan ko'y bumabakas,

subalit nang malapit kong maabot ang rurok na inaabangan,

humupa ang init dahil sa biglang panlalamig ng katawan,

itinarak mo ang punyal sa dibdib kong

nahihirapan,

dahil isa ka rin palang may galit sa tulad kong Asian.

留言


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page