top of page

Ang Daan Pauwi - Flash fiction

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Dec 13, 2025
  • 1 min read

Ang Daan Pauwi - Flash fiction


A mystery flash fiction about the way home


‎Isang makulimlim na dapit-hapon, binabaybay ng trese anyos na batang nagngangalang Kinel ang masukal na daan para makauwi sa kanilang tahanan nang kaniyang mapansin ang presensya ng isang tao. Ang mga walang emosyon na mata nito ay nakatitig sa kaniya na nagpabilis sa kaniyang paglalakad.

‎Lumipas ang ilang mga hakbang, nakahinga siya nang maluwag nang makaliko siya sa mabatong landas na papuntang kanan, ang palatandaan na malapit na siya sa kanilang bahay.

‎Ngunit natagpuan niya ang taong nakita niya kanina lamang. Kung paglipas ay walang emosyong mababasa sa madilim nitong mga mata, ngayon ay tila nanlilisik at tumatagos sa kaniyang kaluluwa ang pagtitig nito habang malawak ang ngiti sa kaniya.

‎Habang nanginginig sa takot, mabilis niya itong nilagpasan upang tahakin ang natanaw niyang pamilyar na bahay. Sa kaba na baka hinahabol siya ng taong iyon, kumaripas siya ng takbo para pumasok sa buhay na pintuan ng bahay.

‎At sa paglingon ni Kinel ay nakita niya muli ang pamilyar na taong iyon na may bitbit na duguan na bangkay.

‎"Nakakatuwa naman, ang kaluluwa na tulad mo ang siyang bumabalik lagi sa tahanang gusto mong lisanin… sa kung saan kita pinaslang, anak."


Comments


Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page