top of page

Mananahi

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • Sep 8, 2021
  • 1 min read

A flash fiction that will make you ask "what's hidden in his skill?
A flash fiction that will make you ask "what's hidden in his skill?

Sa aming baryo, hinahangaan ako ng mga tao sa sobrang galing kong manahi. Bansag na nga nila sa akin ay "taong gagamba" dahil sa tulin ng mga daliri kong kumilos upang manahi ng makukulay na damit. Dagdag pa rito, mas nagugustuhan nila ang tinatahi ko kapag may bulsa sa magkabilang gilid.


Gamit lamang ang simpleng karayom, sinulid at makina sa pagtahi ay kumikita na ako — hindi lang iyan, triple pa.


Halos karamihan ay pumupunta sa aking bahay lalo na ang mga tambay at mga kalalakihan.

"Pareng Makoy! Tapos na ba ang 'pinatahi kong damit?" panimulang saad ni Marky sa akin habang ako ay nakaupo tapat ng makina.


"Ah, oo, p're. Kunin mo riyan sa may pinto nakasabit." sambit ko sabay bulong sa kaniya na...


"Siguraduhin mong hindi ka mahuhuli ng pulis na bagong kapitbahay ko. Os'ya, buweno, nariyan sa bulsa ang droga."


"Ito, bayad ko." wika niya sabay kindat.


...

Young Pilipinas Flash Fiction

1 Comment


Unknown member
Sep 18, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page