top of page

Misteryosong Pangil

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Jul 29, 2021
  • 1 min read

Misteryosong Pangil, a thriller fiction about mysterious monster
Misteryosong Pangil, a thriller fiction about mysterious monster

Hindi matapos-tapos ang misteryong pagkamatay ng mga tao sa isang liblib na baryo. Bali-balita ay dahilan daw ito ng halimaw na kawatan ng buhay na malilisik ang mga mata't matatalas ang pangil na lumilitaw sa kalagitnaan ng gabi.


Sa kabila ng misteryong nangyayari sa inyong lugar ay buong lakas ng loob na lumabas ng bahay ay isang Ale at dali-daling tumungo sa gawing palikuran.


Madaling-madali nitong pinitas ang bunga ng itim na saging na kaniyang itinanim doon.


Walang ano-anu'y biglang sumulpot sa likod niya ang halimaw na kinatatakutan ng lahat.


Biglang sumunggab ang halimaw sa harapan niya na mukhang kakapambiktima pa lang at bakas pa ang dugo sa pangil.


Sa gulat ng Ale ay ibinusal nito ang saging sa bibig ng halimaw.


"Anak! Bilis! Magpalit anyo ka na..."


...

A Young Pilipinas Flash Fiction

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page