top of page

Pinili Kong Tumakas

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Jul 6, 2021
  • 1 min read

Pinili Kong Tumakas - a flash fiction by Colin Cris Celestial
Pinili Kong Tumakas - a flash fiction by Colin Cris Celestial

Napatitig ako sa'king ina na tuwang-tuwa sa pagbibilang ng libo-libong kwarta na kaniyang natanggap ngayon lang. Tila nakatanggap siya ng regalo na 'di matutumbasan nang kahit anumang bagay o tao man.


Wala pang ilang sandali ay para akong robot na tumuwad alinsabay nang pagkapit ko nang mariin sa magkabilang gilid ng mesa na 'di ganon katibay.


May marahas na nag-alis ng aking salwal at kalauna'y pumasok sa 'king birheng lagusan ang mapang-alipustang ari ng mayaman.


Ito ang pinili ni ina. Pera kaysa sa aking dangal.


Oras na para ako naman ang mamili. At pinili kong gumising mula sa masamang panaginip.

ความคิดเห็น


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page