top of page

Ali, Bang! Bang!

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • May 3, 2021
  • 1 min read

YoungPilipinas.com Young Pilipinas Filipino Poetry

"Pst!" Sitsit ni Ali sa kanto || kumikindat, nagpapapansin,

si Manong, tinderong makisig || tinapunan malanding tingin;

kinakagat mapulang labi || nang-aakit sa gandang angkin.

Tumulo ang pawis ni Manong || mabilis lumapit si Ali,

akmang pupunasan ng panyo || sabay sabing "pogi, patabi."

Hinaplos makisig na mukha || si Manong hindi nakatanggi,

may binabalak na masama || sa g'wapong tindero ng karne.

Pinahinhin ang kan'yang tinig || ginawang babaeng-babae,

inilabas ang kan'yang dibdib || lantad na kan'yang kaluluwa;

ang mata naman ng lalaki || nahiwagaan, manghang-mangha,

ngunit dumating ang asawa || si Manong ay biglang nailang,

si Ali walang pakialam || sa paglandi hindi tumigil,

naging dragon itong asawa || "Pst! Ali," tawag sabay "Bang! Bang!"

Biglang bumulagta si Ali || pulis ang asawa, may baril.

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page