top of page

Bukas na Aklat - a poem about Philippine art for Filipinos

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • Dec 18, 2025
  • 1 min read
Bukas na Aklat - a poem about Philippine art for Filipinos

Ang sining ay isang kakamping matalik,

sa oras na tayo’y mag-isa’t tahimik,

Didinig, sasalo sa lahat ng sakit,

biyayang talento na bigay ng langit.


Sa bawat pagpigil pagpatak ng luha,

ang lapis at papel ang siyang bubura,

pighating sumaksak sa puso ng dukha,

‘liligtas sa dilim pagtapos ng tula.


‘Susulat hinaing nanahan sa dibdib,

‘susumbong sa tinta, dungis may babahid

gagaan ang bigat sa tuwa’y balakid,

Sa wakas lalaya sa tali ng lubid.


Ang sining ay kwento ng lahat,

kaylawak na tila bukaskas na aklat,

sa likod ng obra mayroong istorya,

kung bigo may hikbi, tagumpay ay saya.


Comments


Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page