top of page

Bayan ay Babangon Muli

  • Writer: Neil Gregori Garen
    Neil Gregori Garen
  • Jan 15, 2022
  • 1 min read


Dumaan tayo sa pagsubok

Ang iba ay nasadlak at nalugmok

Nahihirapan tayo sa pagbangon

Dahil kanya-kanya tayo sa pag-ahon


Iwan natin ang hindi pagkakaunawaan

Tayo na’t magkaisa sa iisang daan

Gabay ang bisyon ng pag-unlad

Makakamit natin ang ating hinahangad


Bayan ay babangong muli

Makakamtam natin ang mga minimithi

Magkaisa at magkapit bisig tayo

Ipakita natin sa mundo ang tatag ng pagiging Pilipino



Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page