top of page

Bayan Kong Sinilangan

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • May 3, 2021
  • 1 min read

Updated: May 8, 2021


YoungPilipinas.com Young Pilipinas Filipino Poetry

Lahi ko'y purong Pilipino,

isinilang sa bansang Pilipinas na may tatlong kapuluan, Luzon, Visayas, at Mindanao,

may laksá-laksáng islang ipinagmamalaki,

at puspós ng piyestang ipinagdiriwang.

Ako'y mamamayang Pilipino,

isa sa mamamayan sa lagpas isandaang milyong katao,

kilala sa pag-uugaling matulungin sa kapwa tao,

at kilala bilang isa sa talentadong Pinoy ng bansa.


Isa akong Pilipino,

lalaban para sa kalayaan at katahimikan ng aking Bayan,

hindi hahayaang maliitin ng kung sino man,

ako'y mamamayan ng Bansang Pilipinas— hindi Pilipinas lang.

Comentarios


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page