top of page

Halaga ng Buhay

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • May 31, 2021
  • 1 min read

YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Dugo't pawis ay hindi na sapat bilang puhunan,

Kayod kalabaw na trabaho'y wala nang patutunguhan,

Para sa kakarampot na bigas ikinalakal ang dangal,

Ginintuang puso ay naglaho—sa sala'y nagpasakmal.

Apoy ng kabutihan ang piniling manaig,

Ngunit huli na sapagkat berdugo ay nakatitig,

Among buwitre na sabik sa dahas at galit ay lumapit,

Gatilyo ay kinalabit pagbabagong buhay hindi na pinasapit.

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page