Search
Mahika Ko, Kakaiba
- Colin Cris Celestial
- Jun 15, 2021
- 1 min read
Updated: Jun 16, 2021

Gamit ang nakakaakit kong pangkumpas,
hindi bagay ang aking malilikha pero likas,
kapangyariha'y tinuring na ipinagkaloob,
at ito'y 'di ko dapat ipapanglusob,
kasamaan ma'y iyong ipakita sa paglipas,
kabutihan ang tiyák na mahika nitong kumpas.
Ang mahikang taglay ko, kakaiba't tunay,
kailan man sa kaisipan ng iba, hindi ito para sa 'ting buhay,
ang taglay kong mahika, aking bibigyang patunay,
isang kumpas, pagtulong ang siyang mai-aalay,
ngiti ng masama'y 'di na muling sisilay,
dahil kahangalan ay 'di nagtagumpay.
Comments