top of page

Matakaw

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • Apr 19, 2021
  • 1 min read

ree

Paksa: Pagninilay sa Huling Pitong Wika ni Kristo


Isang halaman ang makamandag, mabilis itong tumubo;

ito ay ang galit, matulin kung lumago;

isang ahas ang gumapang, agad na naghasik ng tukso,

at may isang anghel, nagpatawad ng buong puso.


Isang magulang ang nag-alala, sa dilim na sinasapit ng anak,

Siya si Hesus, nang pinapako'y umiiyak.

Isang nilalang ang nauhaw, sa hirap ay sumabak,

ngunit sa pag-inom ng salita ng Ama, ngiti ay dumanak.


Isang krus ang ipinundar, naroo'y Hesus sa pagsubok,

bakal na kakampi, 'di magagapi kahit kaaway nakatutok,

S'ya ang marapat maghari sa tinuringang tuktok!

Isang bayani ang matakaw, pati kasalana'y nilunok!


--Nerelyn Fabro

Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page