top of page

Pag-ibig sa Bagting Ng Gitara

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Jul 9, 2021
  • 1 min read

Pag-ibig sa Bagting Ng Gitara by Colin Cris Celestial (Young Pilipinas Poetry)
Pag-ibig sa Bagting Ng Gitara by Colin Cris Celestial (Young Pilipinas Poetry)

Sa banayad at marahang galaw,

nang 'yong mga daliri'y lumikha ng sayaw,

na sinabayan ng boses mong nagbibigay-ginaw,

at ng iba't ibang kulay ng ilaw na 'di nakakasilaw.


Sinimulan mo ang kasiyahan sa pamamagitan ng pagtugtog,

gamit ang 'yong gitara hanggang sa paglubog,

ng haring araw na papalitan ng buwan na bilog na bilog,

hanggang sa kasiyahan ay mapunta sa mahimbing na pagtulog.


Nagising ako sa malalakas na hiyaw,

ng mga taong sa'yo pala nakatanaw,

papalapit sa'kin na tila gusto nang lumubog,

sapagkat puso ko'y biglang kumabog.


Bitbit mo ang 'yong gitara na laging inaasahan,

nang bigla kang lumuhod sa'king harapan,

at ang paborito kong kanta't tugtugin ay 'yong inihandog,

na sa wakas ay inamin mong ako'y iyo ring iniirog.


Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page