top of page

Pananandata ng Pilipinas

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • Apr 16, 2021
  • 1 min read

ree

Ako'y nakapipinsala't gamit sa pakikipaglaban,

Batid yaring sandata sa pakikipag-opensahan,

Lilinsád ang buto ninumang magtatangkang maghasik!

Pambansang larong lintik 'to'y tiyak na siyang mabagsik!


Lintikán ma'y lingkód ko'y pangdepensa bilang sagisag,

Liksihán 'yong salag upang mawaglit yaong bagabag!

Pungusin yaring dustâng puspós ng atakeng gulapay,

Ako, bilang sagisag ng Inang bayan— bigyang pugay!


—Colin Cris Celestial

Colin Cris Celestial is an 18-year old writer from Talipan, Pagbilao, Quezon Province.

Comments


Sponsors

splenda stevie.jpg
philips sausage.jpg
philadelphia cream cheese.jpg
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page